Home NATIONWIDE CSC nakipagpulong sa Singapore sa digitalization, makabagong teknolohiya

CSC nakipagpulong sa Singapore sa digitalization, makabagong teknolohiya

88
0

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng bilateral meeting sa pagitan nina Philippine Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles at Singapore Government’s Head of Civil Service Leo Yip kung saan tinalakay nila ang mga tungkulin at mandato ng kani-kanilang ahensya, gayundin ang mga posibleng pagkakataon para sa pakikipagtulungan sa usapin ng makabagong teknolohiya at digitalization sa CSC at sa burukrasya ng Pilipinas.


Si Chairperson Nograles ay kasalukuyang nasa Singapore para dumalo sa Global Government Summit na nagsimula nitong Pebrero 1 hanggang 2, 2023.

Pinangunahan ng gobyerno ng Singapore ang nasabing summit na inorganisa ng Global Government Forum, ito ay isang natatanging taunang kaganapan kung saan ang mga itinuturing na “world’s most senior public servants” ay magbabahagi sa posibleng kakaharaping sitwasyon ng mga magsisilbing civil servants sa buong mundo. RNT

Previous articleDebt-to-GDP ratio ng bansa, bahagyang bumuti
Next articleAustin nangako ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao