MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Risa Hontiveros na ang mga kuwestiyonableng gawi ng mga Navotas policemen na naging sanhi ng pagkamatay ng teenager na si Jemboy Baltazar ay resulta ng war on drugs simula sa termino ni dating presidente Rodrigo Duterte.
“Sasagot ako na oo, ito ang resulta ng madugong giyera kontra droga,” ani Hontiveros.
Ayon sa mambabatas, ibinunyag sa mga pagdinig ng Senado ang mga iregularidad na naobserbahan ng mga pulis ng Navotas sa operasyon na ikinamatay ni Baltazar.
Kabilang sa mga iregularidad na ito ay ang katotohanan na ang mga pulis ay hindi nagtangkang kunin ang bangkay ni Baltazar sa tubig. Sila rin ay “nagpaulan ng mga bala” sa walang armas na binatilyo.
“At itong paglaganap ng kultura ng karahasan. Yan lahat ay mga masasamang bunga ng war on drugs, na may na-internalize [o] may na-institutionalize na kultura at practice ng karahasan,” giit pa ng senadora.
Tinukoy din ni Hontiveros ang mga kakila-kilabot na pagkakatulad sa pagkamatay ng mga kabataang sina Kian delos Santos, Carl Arnaiz, Reynaldo “Kulot” de Guzman, at Baltazar.
Kung mapapansin, isa lamang si Baltazar sa dalawang kabataan na napatay sa loob ng isang buwan sa mga operasyon ng pulisya na nilayon para sa magkaibang target. Ang isa pang binatilyo, ang 15-anyos na si John Frances Ompad – ay tinamaan at napatay ng mga pulis na humahabol sa kanyang kapatid.
“After those wrongful killings, the police narratives or storylines will be used, not to investigate, float the truth, give justice to the victims, but to justify what was done to them. Kailan ito matatapos?” tanong ni Hontiveros. RNT