Home NATIONWIDE DA: 2.38M magsasaka nakatanggap na ng tig-P5K cash grant

DA: 2.38M magsasaka nakatanggap na ng tig-P5K cash grant

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes, Disyembre 29, na tinatayang 2.38 milyong mga magsasaka ng palay ang nagsimula nang makatanggap ng tig-P5,000 bilang cash aid mula sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program.

Ang RFFA program ay isang unconditional financial assistance para sa mga maliliit na magsasaka ng palay na nagbubungkal sa ibaba ng dalawang ektarya.

Ang cash grant ay ipinag-uutos sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11598, o ang Cash Assistance to Filipino Farmers Act of 2021, at pinangangasiwaan ng Department of Agriculture.

Ang programa ay pinondohan sa pamamagitan ng labis na koleksyon ng taripa mula sa pag-angkat ng bigas noong 2022, na may kabuuang P12.7 bilyon.

Matatandaan, noong Setyembre, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalabas ng P12.7 bilyon na labis na koleksyon ng taripa upang i-bankroll ang RFFA program.

Noong Disyembre 28, sinabi ng DA na 458,435 na account ng mga magsasaka ang na-kredito sa tulong na pera.

Samantala, sinabi ng ahensya na 44,719 magsasaka ang nag-withdraw ng kanilang pera sa pamamagitan ng pagsisikap ng Development Bank of the Philippines at remittance giant USSC, isang BSP-licensed e-money issuer.

Maaaring gamitin ng maliliit na magsasaka ng palay ang perang natatanggap nila para sa pang-araw-araw na subsistence at personal na pangangailangan, ani Agriculture Undersecretary for Rice Industry Development Leocadio Sebastian. Santi Celario

Previous articleMga pasahero dagsaan na ulit sa mga pantalan, terminal
Next articleSSS contribution deadline ‘gang ngayong Biyernes na lang