Home NATIONWIDE DA: 2.4M rice farmers makatatanggap ng tig-P5,000 sa Setyembre

DA: 2.4M rice farmers makatatanggap ng tig-P5,000 sa Setyembre

MANILA, Philippines- Binabalak ng Department of Agriculture (DA) na mamahagi sa Setyembre ng halos P12 bilyong cash aid upang tulungan ang mga magsasaka ng paly na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Magbibigay ang DA ng tig-P5,000 sa 2.4 milyong rice farmers na kwalipikadong benepisyaryo sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program, pinondohan mula sa excess tariff collections mula sa pag-aangkat ng bigas.

Sa ilalim ng Rice Tariffication Law (RTL), naglalaan ang pamahalaan ng P10 bilyon kada taon mula sa tariff revenues para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund, nilalayong pondohan ang pamamahagi ng high-yielding seeds, paghusayin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng iba’t ibang training sessions, mamahagi ng farm machinery, at mag-alok ng credit support.

Anumang halagang lalabis dito ay maaaring gamitin para sa RFFA at iba pang programa upang tulungan ang rice farmers.

“We are rushing [the distribution] and hopefully, I’m targeting to provide P12 billion [to our rice farmers] probably by September,” pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa isang event sa Makati City nitong Martes, sinabing ipinalabas na ng Department of Budget and Management noong Disyembre ang P12 bilyon. RNT/SA