
MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na karamihan sa rice retailers ay sumunod sa government-mandated price ceilings sa regular at well-milled rice varieties.
“So far, as of yesterday, nagkaroon tayo ng 95% na success rate,” ayon kay DA deputy spokesperson Wiann Angsiy.
“This means na nag-comply po ang ating mga retailers,” ayon kay Angsiy.
Nauna rito, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “mandated price ceilings” sa presyo ng regular milled rice at well-milled rice — pero lagpas doble pa rin ito sa ipinangako niyang P20 kada kilo noong panahon ng kampanya.
Bahagi ito ng Executive Order 39 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin matapos irekomenda kay Pangulong Marcos ang pagkontrol ng presyo sa buong bansa para maging mas abot-kaya ito sa mga Pinoy kasabay ng pagsirit nito sa merkado.
Dahil dito, inuutos na hindi maaaring lumagpas sa sumusunod na presyo ang mga naturang uri ng bigas:
-
regular milled rice: P41/kilo
-
well-milled rice: P45/kilo