MANILA, Philippines- Mistulang kinalampag ni Senador Chiz Escudero si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na makatutulong sa food security kung itutuon ng bagong kalihim ang sapat na suplay ng bigas at pagtatayo ng mas maraming cold storage facilities sa buong bansa.
Sa panayam, sinabi ni Escudero na dapat tiyakin ni Laurel ang suplay ng bigas sa pamamagitan ng pagsugpo sa paulit-ulit na problema tulad ng nabubulok na ani bago makarating sa pamilihan na dapat bigyan ng prayoridad.
“Priority would be domestically sourced — and then, kung kulang talaga — to ensure that prices won’t really surge, a rationalized importation while we still cannot produce enough rice,” aniya.
Idinagdag pa niya na dapat bigyan ang National Food Authority “enough powers to do what it was meant to do, which is ‘buy high and sell low’.”
Kailangan din umanong tanggalin ang hangganan sa Rice Tariffication Law, sa pag-aangkat ng bigas na dapat rebyuhin, ayon kay Escudero.
“Pero baka hindi maaaring gawin ito ng gobyerno dahil kakapasa pa lamang ng batas noong 2019,” ani Escudero.
Sa ganitong punto, muling inialok ni Escudero sa NFA na “Use ‘First In, First Out’ for rice stocks and open more gates at warehouses to make it easier to move rice in and out.”
Aniya, bahagi rin ng badyet ng Department of Agriculture sa 2024 na dapat ilaan sa pagtatayo ng mas maraming cold storage facilities para sa ani.
Dapat bigyang prayoridad ng gobyerno ang lugar na nagtatanim ng pangunahing pagkain tulad ng gulay, bawang at sibuyas.
“That can be done within a year and would help ensure more farmers earn from their produce,” ani Escudero. Ernie Reyes