Home NATIONWIDE DA sa mga magsasaka: Gumamit ng water-saving tech sa gitna ng El...

DA sa mga magsasaka: Gumamit ng water-saving tech sa gitna ng El Niño

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mahigit sa isang milyong magsasaka na gumamit ng water-saving technology sa gitna ng El Niño phenomenon.

Sinabi ni DA Assistant Secretary for Operations U-Nichols Manalo na ang istratehiyang ito ay ipatutupad para tulungan ang mga magsasaka na nagbubungkal ng 15,000 ektarya ng sakahan ng palay o palayan, alinsunod sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang water security para pagaanin ang epekto ng El Niño sa bansa.

“AWD (Alternate Wetting and Drying) is a water-saving technology that rice farmers can apply to reduce their water use in irrigated fields,” ayon kay Manalo.

Bukod sa AWD, ang Quick Turnaround (QTA) strategy ay gagamitin din sa karagdagang 26,000 ektarya.

“QTA is a strategy wherein all rice farms after harvest shall quickly replant immediately without waiting for the months of the succeeding planting season to begin,” ang pahayag ni Manalo.

Sa ngayon, nagsimula na ang ‘replanting’ sa mahigit sa 5,500 ektarya ng palayan, ayon sa DA.

Samantala, nakatakda namang palawigin ng Task Force El Niño ang pagbibigay ng tulong sa 4,000 magsasaka sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula na apektado ng weather phenomenon.

Maliban sa pamamahagi ng binhi para sa alternative crops, ang pagkumpuni sa irrigation canals, at maging ang cloud seeding operations ay isasagawa.

Nilikha sa ilalim ng Executive Order 53, ang chairman ng Task Force ay ang Department of National Defense habang ang Co-chair naman nito ay ang Kalihim ng Department of Science and Technology, tumatayong miyembro naman ng Task Force ang DA at mga departamento ng Environment at Health, at National Economic and Development Authority. Kris Jose

Previous articleObrero timbog sa P1.8M shabu
Next articleAmabella de Leon, bet masalisihan!