Home METRO Dagdag na Angat water allocation, tuloy ‘gang Hunyo 30

Dagdag na Angat water allocation, tuloy ‘gang Hunyo 30

MANILA, Philippines- Pinalawig ng National Water Resources Board (NWRB) ang dagdag na alokasyong 52 cubic meters per second (cms) ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) mula sa Angat-Ipo-La Mesa water system hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Sa isang mensahe, sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. na inaprubahan ng ahensya ang hiling ng MWSS na ipagpatuloy ang 52 cms na alokasyon para sa June 16 hanggang 30.

Matatandaan na nagdesisyon ang water board na panatilihin ang 52 cms allocation para sa MWSS – na mayroong concession deals sa Manila Water at  Maynilad upang makapagserbisyo sa east at west zones ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan mula June 1 hanggang 15.

Subalit, mula June 16 hanggang 30, 50 cms na lamang ang magiging alokasyon.

Pinasalamatan naman ni MWSS Angat/Ipo Operations Management Division head Patrick James Dizon ang NWRB sa pagpapalawig sa dagdag na water allocation para sa natitirang bahagi ng Hunyo.

Ayon kay Dizon, naiwasan ang posibleng water service interruptions na maaaring makaapekto sa daang libong water consumers.

“With the same commitment that we promised to NWRB nung unang inapprove yung 52 cms nung April 16 na no interruption on the areas na sinusupplyan ng Angat Dam, we have presented to NWRB the impact if ever di ma-extend ‘yung 52 cms, which is water interruption on 632,000 water service connections,” pahayag niya.

Gayundin, sinabi ni Maynilad na sa 52 cms allocation, mapananatili nito ang “normal service levels in our concession area and prevent service disruptions due to a supply shortfall from our main raw water source.”

“We continue to pursue our augmentation projects so that more supply can be generated from alternate sources,” anang Maynilad. RNT/SA

Previous article$750M loan para sa sustainable recovery ng Pinas, oks sa World Bank
Next article3 wanted, timbog sa ‘Oplan Galugad’ sa Pasay