Home NATIONWIDE Dagdag-P100 sahod tablado sa ilang mambabatas

Dagdag-P100 sahod tablado sa ilang mambabatas

MANILA, Philippines – Hindi pabor ang mga mambabatas na mga kilalang ekonomista sa isinusulong na P100 legislated wage hike.

Kapwa sinabi nina Marikina City Rep Stella Quimbo at Albay Rep. Joey Salceda na ang pagtaas ng sahod ay magdudulot ng pagtaas ng presyo ng bilihin at services gayundin ay magreresulta sa pagsasara ng small and medium enterprises (SMEs).

Ang P100 legislated wage hike bill ay nakahinbin ngayon sa Senado gayundin sa committee level sa Kamara.

“When we increase minimum wage, and this is for all firms, what do you think will happen? Ang gagawin po ng mga kumpanya ay ipapasa po nila ang pagtaas ng minimum wage sa presyo, kaya inaasahan po natin ang inflationary problem,”pahayag ni Quimbo.

“Magkakaroon po tayo ng cost-push inflation. You will temporarily satisfy our workers, who are also consumers. But eventually, the raise in their salaries will be eaten up by high prices,” dagdag pa nito.

Sa panig naman ni Salceda sinabi nito na nagsasagawa na ng pag aaral ang regional wage board para sa wage increase sa bawat rehiyon, sa ganitong sistema ay hindi maapektuhan ang mga SMEs.

“May mga SMEs na hindi kakayanin iyong P600 minimum wage per day…kung plus P100…magtatanggal sila ng tao para lang kayanin ang P700. I am sympathetic, really, on wage hikes, but one reason [not to agree] is 99% of our enterprises are SMEs. Would you like to kill them?”paliwanag ni Salceda.

Gayundin ang sintimyento ni House Deputy Speaker Jayjay Suarez, aniya, magandang pakinggan ang increase ngunit dapat tignan din ang magiging epekto nito sa kabuuan.

“It sounds nice, it feels nice, but when it gets there, it may not be very nice. We need to address this issue of having a bigger economy first so we would have more money, more industry players, and more maneuverability in terms of labor laws and practices,” giit nito.

Kapwa sinabi ng mga mambabatas na malaki ang maitutulong sa pagtaas ng pasahod ang pagpapahintulot sa foreign capital ownership sa oras na maamyendahan ang Saligang Batas. Gail Mendoza

Previous articleMga bagong hakbang kontra online pedophiles, pinag-aaralan ng gobyerno
Next articleVeterans’ hospital, itatayo ng Senado sa Mindanao, Visayas