Home METRO Dagdag-singil sa toll sa MCX epektibo ngayong Lunes, Marso 18

Dagdag-singil sa toll sa MCX epektibo ngayong Lunes, Marso 18

MANILA, Philippines- Magbabayad ng karagdagang P1 hanggang P3 na toll ang mga motorista na dumaraan sa Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX) simula ngayong Lunes, Marso 18.

Sa abiso, sinabi ng Toll Regulatory Board (TRB) na pinayagan nito ang operator ng MCX, ang MCX Project Co. Inc. ng pamilya Villar, na simulan ang koleksyon ng ikalawang tranche ng provisional toll hike nito.

Ang bagong toll rates ay P19 para sa Class 1 (kotse, jeep, van, o pickup); P39 para sa Class 2 (bus at light trucks), at P58 para sa Class 3 (heavy at trailer trucks) vehicles.

Kahalintulad ang dagdag na bayad sa toll, na P1 para sa Class 1, P2 para sa Class 2 at P3 para sa Class 3, sa unang tranche ng toll adjustment na ipinatupad noong Nobyembre 2023.

Inaprubahan ang toll hike alinsunod sa periodic adjustments para sa 2018 at 2020.

Batay sa TRB, inisyu ang notice to start collection matapos makatalima ng MCX Project sa publication requirements at sa posting ng surety bond.

Ang MCX ay apat na kilometrong expressway na kumokonekta sa Daang Hari at Daang Reyna sa Las PiƱas at Bacoor, hanggang Muntinlupa sa kahabaan ng South Luzon Expressway. IIto ang pinakamaiksing toll road sa buong bansa. RNT/SA

Previous articleChristine Bermas, nahirapang umungol sa ‘Rita’!
Next articleNoKor naglunsad ng ballistic missile kasabay ng democracy conference sa SoKor