Home METRO Dagdag-singil sa toll sa NLEX Connector itinutulak

Dagdag-singil sa toll sa NLEX Connector itinutulak

MANILA, Philippines- Naghain ng petisyon ang NLEX Corp., operator ng North Luzon Expressway (NLEX), upang dagdagan ang toll para sa mga motoristang dumaraan sa NLEX Connector matapos buksan ang kahabaan ng elevated toll road sa publiko.

“We already filed the petition. As we speak, it is being evaluated by the TRB (Toll Regulatory Board). It takes the same process, the same evaluation that they do so they can determine whether the fractional toll is reasonable,” pahayag ni NLEX Corp. president J. Luigi Bautista.

“It is an additional toll because we added an additional section. If it is approved, the toll will increase from P86 to P120,” dagdag ni Bautista.

Noong October 28, binuksan ng NLEX Corp. ang España to Magsaysay section ng NLEX Connector o ang Magsaysay Interchange. 

Ang nasabing seksyon ang ikalawa at huli sa eight-kilometer elevated expressway.

Binuksan naman ang unang seksyon mula C3/5th sa Caloocan hanggang España sa Manila, noong March 29. RNT/SA

Previous articleNPC nabahala sa paninikil sa press freedom ng SMNI
Next articlePAF nag-deploy ng rescuers sa Piper plane crash site sa Isabela