Home METRO Dahil sa tampuhan sa kinakasamang tibo, saleslady nagbigti

Dahil sa tampuhan sa kinakasamang tibo, saleslady nagbigti

MANILA, Philippines – DAHIL lamang sa kaunting tampuhan na umabot pa sa social media, isang 26 anyos ang natagpuang patay habang nakabigti sa inuupahang silid sa San Patricio Street, Barangay 18, Tondo, Manila nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 9.

Kinilala ang biktima na tubong San Juan, Batangas, dalaga, at isang saleslady.

Batay sa ulat ng Manila Police District -Homicide Section, bandang 6:00 ng gabi nang madiskubre ng kinakasama nitong tomboy ang nakabiting biktima, gamit ang kulay orange na plastic nylon sa kisame ng inuupahang silid.

Dahil dito, agad namang ipinagbigay-alam ang insidente sa pulisya.

Nabatid sa imbestigasyon ng awtoridad na kumakatok umano ang live-in partner ng biktima nang wala umanong nagbubukas ng pinto.

Mimabuti nitong umakyat sa kisame ng banyo para dumaan sa silid, hanggang sa madiskubreng nakabigti ang dalaga. Rene Crisostomo

Previous article3 durugista nabingwit sa P.6M droga sa Maynila
Next articleTransition plan sa 14 iskul sa Makati patungong Taguig ilalabas ngayong buwan