Dahil sa utang na droga, suspek na tumodas sa kababata, huli

Dahil sa utang na droga, suspek na tumodas sa kababata, huli

May 19, 2020 @ 8:14 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Dumanak ang dugo sa pagitan ng dalawang magkababata dahil umano sa utang na shabu kung saan naaresto ang 25-anyos na binata nitong Martes ng umaga sa Quezon City.

Bitbit ang warrant nang arestuhin si Renielle Punzalan, na umano’ y nasa top 1 most wanted ng Manila Police District.

Batay sa ulat ni P/ Lt. Glenzor Vallejo, hepe ng MPD-Warrant and Subpoena Section, naaresto ang suspek sa Dama De Noche St., Brgy Payatas ng bandang 9:00 ng umaga.

Si Punzalan umano ang itinuturong bumaril at nakapatay sa kanyang kababata na kinilalang si Robin Roland Relango, 24-anyos, noong nakalipas na Disyembre, 2019.

Nalaman na may isang taon nang nagtago si Relango dahil sa nakadispalko umano nito ang pera mula sa pinagbentahan ng iligal na droga at nang lumutang, at nag-krus ang kanilang landas ni Punzalan, dito na siya pinatay.

Noong una’y inakala ni Relango na nakalimutan na ni Punzalan ang kanyang utang at nagawa pa umano siyang yayain sa bahay.

Nang siningil na umano ni Punzalan si Relango at nang walang maibayad ay saka  binaril ang biktima.

Dinala pa sa pagamutan ang biktima pero nabigo na maisalba ng doktor ang buhay nito.

Tumakas naman si Punzalan at di na nagpakita mula noon hanggang sa maaresto ng mga pulis. Rene Crisostomo

Share

Leave a Reply

Loading...