Home ENTERTAINMENT Dahilan ng Bea-Dom splitup, tumbok na!

Dahilan ng Bea-Dom splitup, tumbok na!

Manila, Philippines- Kung sa Madrid, kabisera ng Spain balitang magaganap ang September wedding nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay sa Turkey naman kukunan ang kanilang pre-nup video.

But as it is now ay mukhang malabo nang magkaroon ng katuparan ang inaasam-asam na dream wedding ng Kapuso actress.

Maging ang photographer/videographer ng would be-couple ay nalungkot sa nangyaring hiwalayan.

Ayon mismo kay Karlo Torio, sometime in December last year ay nakatanggap sila ng tawag mula sa kampo ng celebrity couple.

Inilihim daw ‘yon ni Karlo although na-excite siya sa kanyang magiging scope of work.

Nakatakda kasi sana siyang lumipad “between Asia and Europe” for the shoot.

Natumbok na bansang Turkey ang tinutukoy ni Karlo.

Ayon sa kanyang paglalarawan, magical daw ang naturang destinasyon.

Hindi pa man ay naiimadyin na raw niya kung gaano kaganda ang kanyang mga shots expected of a pre-nup video.

‘Yun nga lang, napurnada ang lahat at ganoon na lang ang kanyang panghihinayang.

Gayunpaman ay may panalangin si Karlo para kina Bea at Dom: magkaroon sana ng healing at recovery ang mga ito.

Samantala, ayon sa iniulat sa Showbiz Now Na ay pinaimbestigahan umano ng kampo ni Bea ang background ni Dominic.

Kataka-taka kasi sa karamihan kung anong negosyo meron si Dom, pero walang makapagsabi kung anong business nito.

Sa pag-iimbestigang ‘yon, ayon sa SNN ay natuklasan daw na ang sobrang mamahaling condo unit na tinitirhan ni Dom ay nakapangalan sa isang pulitiko.

Lalaki raw ang kasarian ng pulitikong ‘yon.

Sa madaling salita, ni-rule out ng SNN na may kinalaman sa pera ang dahilan ng Bea-Dom breakup.

Ayaw tukuyin ni Cristy Fermin ang nasabing pulitiko dahil mas magandang manggaling kay Dom ang pagkakakilanlan nito. Ronnie Carrasco III

Previous articleTailored, multi-sectoral approach sa problema sa paninigarilyo suportado ng Pinas
Next articlePanukalang pagsasanay ng maraming Pinoy sa healthcare, IT sectors suportado ni PBBM