Home METRO Dalaga patay sa salpukan ng motorsiklo

Dalaga patay sa salpukan ng motorsiklo

ARAGAO, Cebu- PATAY ang isang dalaga habang sugatan ang dalawa matapos magsalpukan ang sinasakyan nilang motorsiklo noong Sabado, Oktubre 14 sa bayang ito.

Kinilala ang nasawi na si Marichu Luna, 22, taga Sityo Malalag, Barangay Tala­ga, Argao habang sugatan ang nobyo nitong si Ryan Cariñana, 28, driver ng motorsiklo at taga-Barangay Canbanua, Argao.

Ginagamot rin sa ospital ang nakabanggaan nilang drayber ng motorsiklo na kinilalang si April Ann Alvizo, 23, dalaga, at taga-Barangay Bogo, Argao.

Batay sa report ng Argao Police Station, bandang 8:00 PM nang maganap ang insidente sa national highway sa Barangay Tulic, ng nasabing bayan.

Ayon kay Police Maj. Ivy Bartolome, hepe ng Argao-PNP, sinundo si Luna sa kanyang trabaho ng nobyo nitong si Cariñana at pauwi na sana sila sakay ng motorsiklo angkas ang una.

Pagsapit sa nasabing lugar, bigla na lamang nag-left-turn si Cariñana dahilan para mabangga nito si Alvizo.

Sa lakas ng banggaan, tumalsik si Luna at bumagsak ito sa sementadong kalsada ganun din ang dalawang driver.

Mabilis naman rumesponde ang mga tauhan ng Argao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (AMDRRMO) sa lugar ng pinangyarihan ng insidente at isinugod sa sa Argao District Hospital.Brgy. Bogo, ang tatlo subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga si Luna.

Patuloy naman ginagamot sa ospital si Alvizo habang nasa maayos ng kalagayan si Cariñana. Mary Anne Sapico

Previous articleLE SSERAFIM’s Kim Chaewon magti-temporary hiatus sa health issues
Next articleTrack list sa upcoming mini album ng SEVENTEEN, inilabas na!