Home METRO Dalaga tiklo sa tumalbog na tseke

Dalaga tiklo sa tumalbog na tseke

256
0

MANILA, Philippines – ARESTADO sa tumalbog na tseke ang isang 25-anyos na dalaga makaraang isilbi ang arrest warrant dito sa Maka-Diyos Street, Quezon City nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 15.

Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Bouncing Check Law (Batas Pambansa BP-22) ang suspek na nasa Most Wanted Person.

Kinilala itong si Mhery May ng Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Manila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, Commander ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang 4:00 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest sa dalaga sa nasabing lugar, makaraang inguso ng isang impormante.

Bitbit ang Warrant of Arrest sa pangunguna ni Police Captain Fredwin Sernio ng investigation Section, kasama si Police Senior Master Sargent Christopher Blanco ng Warrant and Intel Section at Ilan nitong tauhan, na inisyu ni Hon Gloria Monica Sangalang Lopez-Lao, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 133 ng Quezon City na may petsang Agosto 2, 2021.

Gayunman, inutos ng korte na maglaan ng piyansang P108,000.00 ang akusado.

Dahil dito, pinuri at pinasalamatan ni MPD-Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang mga kapulisan sa kanilang agarang aksyon sa pagsugpo ng mga wanted sa batas. Rene Crisostomo

Previous articleVillar nakiisa sa International Clean-up Day
Next articlePaggamit ng QRPh sa online payment umarangkada na sa ParaƱaque

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here