Dalagang propesora, estudyante, timbog sa P75K shabu sa Bulacan

Dalagang propesora, estudyante, timbog sa P75K shabu sa Bulacan

June 28, 2020 @ 1:37 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Bulacan – Naaresto ang isang dalagang propesora at sinasabing isa sa kanyang estudyante buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Bocaue.

Kinilala ang mga suspek na sina Jessica Rose Enriquez, 26, dalaga, college instructor at Julia Enriquez, 21, dalaga rin, kapwa ng Brgy. San Jose, Dasmariñas, Cavite.

Sa report ng Bocaue Police, isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek nitong Biyernes sa Sitio Balubaran, Brgy. Duhat, Bocaue.

Ayon sa imbestigasyon ni Pat.Jane Marie Rosales, nang maberipika ng pulisya ang report na “source” ng droga ang dalawa sa lugar ay nagsagawa sila ng buy-bust operation.

Aniya, nakabili ang kanilang poseur-buyer ng halagang P5,000 sa dalawa kaya agad na dinampot.

Nasamsam sa kanila ang 5 sachet ng shabu na nasa 25 gramo at nagkakahalagang P75,000, isang weighing scale, isang Toyota Vios (DAZ 6293) at iPhone 11 matte black.

Sinasabing kapwa nasa PNP at PDEA watchlist ang dalawang dalaga.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong pag-iingat at pagbebenta ng droga. Dick Mirasol III

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...