COTABATO CITY- HALOS hindi makalakad ang 13-anyos na dalagita matapos gahasain ng magpipinsan sa loob ng bahay ng mga huli, iniulat kaninang umaga sa Cotabato sa City.
Sa isinagawang operasyon ng Cotabato City-PNP, nadakip ang tatlong suspek at umano’y bugaw na 18-anyos na dalaga.
Kwento ng biktimang itinago sa pangalan Rhea, naglalakad siya patungo sana sa bahay ng kanyang kaklase ng bigla na lamang siyang hinila ng bugaw saka isinakay sa sasakyan at dinala sa bahay ng mga suspek.
“Pagdating po dun sa bahay ng tatlong lalaki (magpipinsan na suspek) pinainom po nila ako ng alak hanggang sa nakaramdam na lamang po ako ng panghihina”, ani pa ni Rhea.
Aniya, duon na siya sinimulan hubaran ng mga suspek at pinagsalit-salitan siyang gahasain ng tatlong suspek.
“Pinagbantaan pa po nila (suspek) akong papatayin kapag nagsumbong daw po ako,” mangingiyak pang salaysay ni Rhea.
Subalit, pag-uwi ng biktima naglakas-loob siyang magsumbong sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga ito. Mary Anne Sapico