Dalagitang ‘di pinayagang makipagkita sa nobyo, nagpatiwakal

Dalagitang ‘di pinayagang makipagkita sa nobyo, nagpatiwakal

May 24, 2020 @ 10:53 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Pangasinan – Problema sa pag-ibig ang nakikitang dahilan ng pagpapakamatay ng isang kinse anyos na babae sa Brgy. Navanluan, Mangaldan, Pangasinan.

Sa isinagawang panayam ni Police Lieutenant Jun Wacnag, hepe ng Mangaldan Municipal Police Station, sa ina ng biktima, ang naturang pagpapatiwakal ay nangyari matapos na pinagalitan at hindi pinayagan ng nanay ang anak nito na makipagkita sa kanyang boyfriend sa Sto.Tomas, La Union dahil napag-alaman na magpinsan ang mga ito at matagal na silang may relasyon.

Posibleng dahil sa matinding sama ng loob ay naisipan ng biktima na magpakamatay.

Natagpuan ang katawan ng biktima na nakabitin gamit ang kawad o kable ng telepono sa bahay ng kanyang amo kung saan siya namamasukan bilang katulong. Rolando S. Gamoso

Share

Leave a Reply

Loading...