Home METRO Daloy ng trapiko sa mga expressway bibigat na ngayong hapon

Daloy ng trapiko sa mga expressway bibigat na ngayong hapon

MANILA, Philippines – Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga expressway simula ngayong tanghali ng Biyernes, Disyembre 22.

Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB), ito rin kasi ang huling araw ng pasok ng karamihan sa mga empleyado.

Ani TRB spokesperson Julius Corpuz, posibleng tumagal ang mabigat na daloy ng trapiko hanggang gabi ng Biyernes at magsisimula ulit umaga ng Sabado.

“Ang inaasahan natin, magsisimula nang maglalakbay ang ating mga kababayan after lunch today at iyan ay aabot hanggang gabi,” ani Corpuz.

“Maaari pong medyo maiibsan lamang ‘yan sa madaling araw after 12 o’ clock at magsisimula na naman ‘yan ng madaling araw ng Sabado hanggang sa whole day of Saturday,” dagdag pa niya.

Aniya, hanggang 20% karagdagang dami ng sasakyan ang posibleng dumaan sa mga expressway, at pinaghandaan na rin umano ng TRB ang exodus na ito para sa holiday season.

Para masiguro ang maginhawang biyahe ay suriin muna ani Corpuz ang kanilang mga sasakyan at magpakarga ng RFID.

“Mas mabilis po generally kung nasa RFID lane kayo. It takes only 4 to 6 seconds for you to pass through the RFID lane whereas kung nasa cash po kayo aabutin kayo 20 to 25 seconds,” sinabi ni Corpuz. RNT/JGC

Previous articleBig-time fuel hike, pahabol sa 2023!
Next articleDOH sa mga Christmas party: Umiwas sa matamis, maalat