Home METRO ‘Damo’ nasinghot ng K9 sa pasahero

‘Damo’ nasinghot ng K9 sa pasahero

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng K9 sniffing dog ng Philippine Coast Guard (PCG) ang hinihinalang shabu at marijuana na nakatago sa body bag ng isang pasahero.

Inalerto ng Port Police Marinduque-Quezon ang PCG tungkol sa pasahero patungong Romblon na umano’y may dalang illegal drugs.

Sinalubong ng mga tauhan ng PCG station katuwang ang Coast Guard K9 Team Lucena ang suspek.

Idineploy ang K9 dog na si Haira at nadiskubre nito ang mga ipinagbabawal na shabu na may timbang na .05 at marijuana na 2.5 gramo na nakatago sa bag ng suspek.

Itinurn-over ang suspek sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa masusing pagsusuri at karagdagang imbestigasyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article452 OFWs na nawalan ng trabaho sa N. Zealand tinulungan ng DMW
Next article250 pamilya nawalan ng tirahan sa demolisyon sa Sta. Ana