Home ENTERTAINMENT Daniel, di invited sa Bea-Dom wedding!

Daniel, di invited sa Bea-Dom wedding!

Manila, Philippines – Dapat na talagang sanayin ni Daniel Padilla na um-attend ng mga mahahalagang okasyon unless otherwise inire-require na magkasama sila ng dating nobyang si Kathryn Bernardo.

Kung wala sanang naganap na breakup, the next important event where the former couple is expected to show up ay ang kasal nina Bea Alonzo at Dominic Choa.

Inaasahang wedding bells will ring this year.

At a recent event, natanong kay Dom kung matutuloy as planned ang pag-iimbita nila ni Bea sa dating magnobyo.

“Si Kath, oo. Pero not Daniel,” diretsong sagot ni Dominic.

Aniya, mula pa raw 2022 ay hindi pa sila uli nag-uusap ni Daniel.

Pero tiniyak ni Dom na invited daw nila ang mga kaibigang sina Khalil Ramos, Marco Gumabao at Patrick Sugui.

Sila at iba pa ang bumubuo ng Nguya Squad.

Tinanong uli si Dom if Kathryn is part of the entourage.

Ani Dom, as of now ay hindi pa raw niya makumpirma who will make up the lineup.

“Hindi pa kasi namin nailalatag ni Bea,” aniya.

Consistent naman ang sagot ni Dom sa tuwing uussain kung saan magaganap ang pag-lisang-dibdib nila ni Bea.

Saan nga ba: dito sa atin o sa ibang bansa?

“Secret…” nangingiting sagot ni Dom. Ronnie Carrasco III

Previous articlePulis na sangkot sa Catherine Camilon bantay-sarado para ‘di makalabas ng Pinas
Next articleAFP nagsagawa ng airdrop mission sa BRP Sierra Madre – source