Home ENTERTAINMENT Daniel, gumagamit ng padrino kay Kathryn!

Daniel, gumagamit ng padrino kay Kathryn!

Manila, Philippines- Balitang humihingi ng saklolo si Daniel Padilla mula sa mga common friends nila ng dating nobyang si Kathryn Bernardo.

Ito ang latest na paksang tinalakay ni Cristy Fermin sa kanilang Showbiz Now Na online show.

Ayon sa kanyang source, nagpapatulong umano si Daniel sa mga kaibigan nila ni Kathryn.

Ito’y upang hillingin na kung maaari’y makapag-usap daw sila ng dating nobya nang masinsinan.

Siyempre, ang ultimate goal ni Daniel ay para himukin si Kathryn na makipagbalikan sa kanya.

Matatandaang noong November 30 nang kapwa kinumpirma nina Kathryn at Daniel sa kani-kanilang Instagram accounts ang ispekulasyong break na sila.

Both positively stated they ended their 11-year relationship.

Pinapalagay naman ng mga netizens na September pa ang breakup ng magkasintahan.

Back to Daniel’s seeking the help of their common friends, tinitiyak ni Cristy na pakikinggan siya ng mga ito.

Pero imposible raw umaksyon ang kanilang mga kaibigan ayon sa gustong mangyari ni Daniel.

Binanggit pa ni Cristy ang impormasyong nakalap niya mula sa isang source na “diring-diri” umano si Kathryn sa dating nobyo.

Ito’y matapos matuklasan ni Kathryn ang umano’y ugnayan sa pagitan nina Daniel at Andrea Brillantes.

Matatandaan ding ipinagtapat ni Andrea mismo kay Kathryn na “fling” lang ang turing nito sa aktor. Ronnie Carrasco III

Previous articleGomburza, humakot ng award; Cedrick Juan, naluha!
Next articleLotto Draw Result as of | December 29, 2023