Home ENTERTAINMENT Daniel, ligwak sa fastfood chain ad?

Daniel, ligwak sa fastfood chain ad?

Manila, Philippines- Posible bang ang isang celebrity endorser ng isang international fast food chain ay ligwak kahit may-ari siya ng franchise?

Ito ang tanong na hinahanapan ng sagot involving Daniel Padilla.

Gaya ng alam ng lahat, may ilang commercial endorsements si Daniel.

Balitang ang iba roon ay nangawala makaraang mag-break sila ng nobya of 11 years na si Kathryn Bernardo.

Isa nga sa mga humulagpos sa palad ni Daniel ay isang fastfood chain.

Sa bago kasing TVC (commercial) nito’y naroon pa rin si Kathryn.

Sa katunayan, this Tuesday ay ini-launch ito minus Daniel.

Or is it safe to say na may separate TVC ang aktor, as in hindi sila magkasama ng kanyang ex-girlfriend?

But what if tuluyan nang niligwak ng nasabing fastfood chain si Daniel?

Eh, balita pa namang naka-acquire ng franchise si Daniel sa Tacloban, Leyte kung saan nagmula ang nanay niyang si Karla Estrada.

As far as ‘yung isang cola drink which Daniel endorses is concerned, ang aktor pa rin ang nasa TVC.

Kung ganoon, anu-ano na lang pala ang mga natitira sa mga product endorsements ni Daniel, the “culprit” of which ay ‘yun ngang breakup nila ni Kathryn?

Eh, balita ngang extended ang stay ni Kathryn sa Australia for a possible commercial shoot.

Ibig sabihin, si Daniel lang ang nag-suffer? Ronnie Carrasco III

Previous articleKakulangan ng medical facilities sa top tourist destinations, iimbestigahan sa Senado
Next articleBianca, takot na mag-break sila ni Ruru!