Home ENTERTAINMENT Daniel, nagmura na naman sa mini-concert!

Daniel, nagmura na naman sa mini-concert!

Manila, Philippines- Tinatayang umabot sa 20,000 ang bilang ng mga dumagsa sa pagdiriwang ng Sabuyan Festival Latiti Hydro party na ginanap sa Pola, Oriental Mindoro.

Siyempre, no less than Pola Mayor Ina Alegre was at the helm of the event na nag-spill over pa the next day.

Hindi lang mga taga-Mindoro trooped to the municipal grounds bilang venue nito kundi may mga galing pang Maynila.

It turned out na ang dinayo ng mga ito roon ay si Daniel Padilla.

Bago sumampa ng stage, nauna munang mag-perform sina Cesar Montano at Vhong Navarro.

But it was in Daniel’s set which consisted of five songs that hell broke loose.

Anong malakas ang buhos ng ulan?

Keber ang mga tao getting drenched, basta nag-enjoy lang sila sa performance ni Daniel.

Maging ang pagbitiw ng mura ni Daniel ay winner din.

Paano ba namang hindi, obyus na may hugot ‘yon?

Banat ng aktor: “Nothing will ever break me…wala talaga…wala na tang’…na!”

All the more na nagtilian ang audience!

Anila’y sulit daw ang kanilang pagragasa sa tindi ng ulan dahil sa tindi rin ng performance ni Daniel.

Looking forward ang mga ito na magkaroon ng concert ang aktor na kering pumuno ng isang malaking venue.

Talaga lang, ha? Ronnie Carrasco III