Home OPINION Daniel, nanunuyo? Kathryn, may sagot!

Daniel, nanunuyo? Kathryn, may sagot!

Manila, Philippines- Sa social media partikular sa Instagram nagtapos ang lahat.

At para sa mga umaasang may balikang magaganap kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sa Instagram din matatagpuan ang makahulugang sagot o desisyon ng aktres: no looking back, only moving forward.

Bawat araw ay may mga developments surrounding the former loveteam of KathNiel mula nang kumpirmahin nila ang kanilang breakup nitong November 30.

A couple of days after, dumalo ang ex-sweethearts sa ABS-CBN Christmas Special sa Araneta Coliseum to the sheer delight of their shrieking fans.

Nagkaroon pa sila ng production number na aakalain mong no breakup ever took place.

Kinabukasan, kapwa pinarangalan sina Kathryn at Daniel sa ginanap na Asian Artist Award o AAA.

Muli, nanumbalik ang tila sweetness ng dalawa mula sa paghawak nila ng kamay sa isa’t isa as they went up the stage.

Kumuha rin si Daniel ng coat para hindi lamigin si Kathryn, indeed a gentlemanly gesture.

They displayed the same sweetness nang akbayan ni Daniel si Kathryn as they returned to their seats at the venue.

Nito lang ay nakaagaw sa pansin ng mga netizens ang binurang breakup post ni Daniel sa Instagram.

Pinapalagay tuloy ng mga masugid na KathNiel fans na nanunuyong muli si Daniel in an attempt para magkabalikan sila ng nobya of 11 years.

Kaso kinabukasan, December 15 ay may makahulugang post si Kathryn na wari’y sagot sa nais mangyari ni Daniel.

Makikitang may ilang throwback photos posted by Kathryn.

Kabilang dito’y ang 300-year-old mango tree sa San Benito, Batangas, ang sweet photo kasama niya ang kanyang pamangkin, ang pagpunta niya sa beach, ang pag-inom niya ng tequila at pag-aayos ng kanyang mga gamit sa bahay.

Ayon kay Kathryn, appreciation post daw ‘yon “for the little things which made her smile the past few weeks.”

Pero “malaman” o may ibig ipakahulugan ang ipinost niyang linyang “no looking back, only moving forward.”

Reading between the lines, such line is tantamount to saying na walang aasahang balikan si Daniel.

As for the expectant KathNiel fans, sorry if Kathryn burst your bubble. Ronnie Carrasco III

Previous articleIna ni Sarah, may resbak kay Anabelle?
Next articlePayroll ginamit sa paluwagan; pagsibak sa accountant pinagtibay ng SC