Home ENTERTAINMENT Daniel, planong mag-settle sa US!

Daniel, planong mag-settle sa US!

Manila, Philippines- Among Daniel Padilla’s acquired properties, the first to go was his Chevrolet Corvette sports car.

Balitang naipabenta niya ito sa halaga which he originally wanted: Р6.5М.

Next in line nga ay ang unang bahay na naipundar niya sa Quezon City, which he gave as a present to his mom Karla Estrada.

Wait, there’s more!

Up for sale din daw ang franchise niya ng isang international fast food chain popularly known for its fried chicken.

Located ito sa Tacloban City, Leyte where Karla traces her roots.
Balitang ibinebenta ito sa halagang P50M kasama ang building at mga gamit sa mismong outlet.

Automatic na itatanong ng mga netizens ay: why is Daniel selling his properties?

Is he in dire financial strait?

The answer is definitely a big no!

Ayon sa kanyang mga kaibigan, dinidispatsa raw ng aktor ang mga ito bilang paghahanda sa balak niyang pagma-migrate sa Amerika.

Nais daw makipagsapalaran ni Daniel sa land of milk and honey as did Gabby Concepcion.

Come to think of it, nang mag-migrate nga naman si Gabby sa US ay hindi siya nawalan ng trabaho.

To everybody’s surprise, Gabby has established a career in the US.

At nang makabalik sa bansa ay ipinagpatuloy niya ang kanyang career at gumanda na nga lalo.

Ito rin daw ang mindset ni Daniel.

Baka raw mas lalo siyang suwertihin sa US.

If this is so, mas lalong mahihirapan si Daniel to make a go sa plano niyang pagma-migrate.

Ni-renew kasi ang kanyang kontrata sa ABS-CBN at Star Magic.
At sa inaasahang pagpasok ng income sa kanya, posibleng hindi na niya kallangang magbenta what’s left of him.

Isaisip lang ni Daniel na hindi biro ang basta-basta mag-establish ng career sa Amerika.

Isang klasiko nang halimbawa ay si Liza Soberano in chasing her Hollywood dream. Ronnie Carrasco III

Previous article10k PDLs mapapalaya sa mga susunod na buwan – Bucor
Next articlePerjury case isinampa vs ex-mayor ng Tiaong