Home ENTERTAINMENT Daniel, ‘purdoy’ na?

Daniel, ‘purdoy’ na?

Manila, Philippines- Pagkatapos magkahiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, hindi na tinantanan ng kaliwa’t-kanang batikos ang huli.

Ito ay dahil na rin sa naiisyu ang actor na naging unfaithful diumano sa kanyang ex girlfriend.

Sa social media, nagsulputan pa ang iba’t-ibang isyu kay DJ tulad umano sa pagkaka-link niya sa ibang babae.

Naging kontrobersyal pa ang naging pagpalag ng sister ni Kathryn na si Kaye sa socmed kung saan may cryptic posts ito sa mga babaeng na-link diumano kay Daniel.

Hinimay-himay pa ito ng mga Marisol kung saan nadawit ang mga pangalan umano nina Liza Soberano, Jasmine Curtis-Smith, Barbie Imperial, Gillian Vicencio at iba pa.

Latest casualty ng nasabing tsika ang isang Vietnamese girl na buong ningning na idinenay na nagkaroon sila ng romantic interlude ng dating dyowa ni Kath.

Mula naman sa mga kate-katerang fans at iba pang sources, kumalat ang alingasngas na binebenta na raw umano ang bahay na ipinundar ng actor.

Muli na namang pinulutan ng bashers si Daniel nang lumapit ang F2A cars kay Boss Toyo para ibenta ang luxury sports car na diumano’y pagmamay-ari ng actor.

Sa vlog na Pinoy Pawn Superstars, nakipagtawaran pa ang rep ng car dealer na ibenta ang kotse sa tumataginting na halagang P6.5 milyon, pero di ito kinagat ni Boss Toyo.

P5.8 milyon ang huling tawad ng PPS vlogger na incidentally ay hindi kinagat ng car dealer na ang huling asking price ay P6 milyon.

Dahil sa mga pangyayaring ito, maraming pa-savage na kibitzers ang nagsabing ‘purdoy’ na raw umano ang actor dahil nagbebenta na ito ng kanyang properties.

Binebenta na rin kasi ang kanyang mansyon nsa halagang P50M.

Ito naman ang ilan sa mga hirit ng Marites.

“Purita mirasol na ba si Daniel kaya nagbebenta na siya ng mga gamit?”

“Grabe ang backlash ng hiwalayan ng KathNiel at ang isyu ng pambabae kay DJ.”

“Kasi naman hindi siya nagsasalita sa isyu. Ni hindi nga niya i-defend iyong mga babaeng na-involve sa kanya.”

“Bigla siyang nalaos. Balita ko pati advertisers, iniiwasan na rin siya.”

“Natabunan ang dyuts isyu dahil sa daming nali-link sa kanya.”

“Kaloka. Ang tagal na pala niyang niloloko si Kathryn.” Archie Liao

Previous articleGreta, spotted sa Greenhills Mall!
Next articlePuting sibuyas ibinebenta na lang ng P17/kg sa N. Ecija