Home ENTERTAINMENT Daniel, sa condo nakatira!

Daniel, sa condo nakatira!

Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ba ni Daniel Padilla kung sakaling maibenta na ang unang naipundar niyang bahay sa Quezon City?

Sa ngayon daw kasi, Daniel is staying at a condo unit at Proscenium at Rockwell, Makati City.

Tama ba ang dinig namin na ang unit na tinitirhan ng aktor ay nagkakahalaga ng P50 million?

This must be an acquired property kung ganoon at hindi basta nirerentahan lang.

‘Yung unit daw ni Daniel ang most expensive sa market.

Teka, isn’t he selling his QC house at the same value, P50M din?

As we reported earlier, ito ‘yung two-storey house on a 500-square meter lot with six bedrooms and six baths plus a garage which can fit in five to six cars.

Ito ‘yung kauna-unahang property na naipundar ni Daniel which he gave as a gift to his mom Karla Estrada.

Posible ngang consummated na ang sale nito following direk Darryl Yap’s admission–na inulat din namin dito sa Remate Online–na nakabili na si Karla ng bagong bahay located somewhere in the south.

This explains why sa condo unit na nga nakatira ngayon si Daniel.

Samantala, wala pang reaksyon ang aktor sa tinuran ng dating kaibigan at co-Nguya Squad member na si Dominic Roque on the list of attendees sa kasal nila ni Bea Alonzo this year.

Tiniyak kasi ni Dom na si Kathry Bernardo lang–hindi kasama si Daniel–ang inimbitahan nila sa kanilang Christian wedding.

If at all, hindi naman magiging big deal kay Daniel if his name is stricken off the list.

Prerogative pa rin ‘yon ng mga ikakasal.

Speaking of which, aminado si Dom na nas hands-on daw si Bea sa paghahanda ng kanilang destination wedding as most brides-to-be are. Ronnie Carrasco IIi

Previous articleDOLE naglabas ng P4.7M ayuda sa TUPAD beneficiaries sa Negros
Next article‘Science-informed’ decisions solusyon sa kakulangan ng ligtas na inuming-tubig sa bansa – DENR