Home ENTERTAINMENT Daniel, to stay with Star Magic!

Daniel, to stay with Star Magic!

Manila, Philippines- Hindi totoong lalayasan na ni Daniel Padilla ang Star Magic.

Ang Star Magic ay ang talent management arm ng ABS-CBN.

Ito mismo ang kinumpirma ng network amidst circulating rumors na aalis na si Daniel sa pangangalaga ng istasyon o hindi na ire-renew ng huli ang kontrata nito.

Sa katunayan, Daniel is scheduled to renew his contract next month, February.

Ibig sabihin, tuloy na tuloy ang mga naka-line up niyang mga pelikula as well as TV projects.

Ang ilan dito’y ang The Guest na isang psychological suspense thriller.

Makakasama ni Daniel dito si John Arcilla.

Bukod dito’y meron pa si Daniel na “buddy comedy.”

Hango sa isa sa mga short story ng

National Artist na si Ricky Lee, ito’y ang Nang Mapagod si Kamatayan.

Makakasama naman dito ni Daniel si Zanjoe Marudo.

Ang ikatlong project supposedly ng aktor ay pagsasamahan nilang muli ng dating nobyang si Kathryn Bernardo.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung matutuloy pa ito following their breakup.

Nagsimulang umugong ang bali-balitang paglipat ni Daniel nang magkahhiwalay sila ni Kathryn, his girlfrend of 11 years.

Tuloy man ang ilang proyekto ni Daniel, ang tanong: if he needs a screen partner, sino naman kaya will fill in? Ronnie Carrasco III

Previous articlePBBM sa energy players: Maaasahang suplay ng kuryente sa lahat ng oras tiyakin
Next articleCha-cha signatures natanggap na ng Comelec