TULUYAN nang inilipat ng Malakanyang ang Development Academy of the Philippines (DAP) mula sa Office of the President (OP) sa National Economic and Development Authority (NEDA) bilang bahagi ng ‘rightsizing policy’ ng administrasyon.
Nauna rito, nagpalabas ang Malakanyang ng Executive Order (EO) No. 45, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na nagsasaad na ang malakas na organisasyon gaya ng NEDA at DAP ay kinakailangan para palakasin ang “development at implementation” ng “human resource development programs, research, data collection, at information services” ng DAP at maging ang tiyakin na hindi pabago-bago ang “research, education at training” nito sa socioeconomic agenda ng pamahalaan.
“Pursuant to the rightsizing policy of the national government, it is imperative to streamline and rationalize the functional relationships of agencies with complementary mandates to promote coordination, efficiency, and organizational coherence in the bureaucracy,” ayon pa sa EO.
Ang DAP ay itinatag sa pamamagitan ng Presidential Decree no. 205, at kasalukuyang nasa ilalim ng Office of the President. Layon nito na isulong at suportahan ang mga programang pangkaunlaran ng bansa.
Ang NEDA naman ay isang independiyenteng ahensiyang may antas ng gabinete ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagpaplanong pangkabuhayan at pagpapaunlad. Kris Jose