Home OPINION DAPAT MAY ‘MGA ULONG GUMULONG’ SA NBI

DAPAT MAY ‘MGA ULONG GUMULONG’ SA NBI

131
0

SA isinagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa paglalabas-masok sa detention facility ng National Bureau of Investigation nitong inmate na kasama ni dating Senador Leila De Lima sa kaso ng droga, kailangan talagang may mga ulong gumulong.

Umamin si Jose Adrian de Vera o Jad  na nakailang labas at pasok siya sa kulungan ng NBI dahil na rin sa kanyang pagtungo sa kanyang doctor upang matingnan ang kanyang karamdaman.

Kasabay nang pagpapagamot, isinasabay na rin ni De Vera ang kanyang pamamasyal sa kung saan-saan kabilang ang Tagaytay at Calatagan kung saan binantayan siya ng kanyang mga escort mula sa NBI at bantay na rin sa mga babaeng kanyang nakakasama.

Ayon kay Atty. Medardo De Lemos, hindi niya batid ang ginagawa ng kanyang mga tauhan  na nagbibigay ng special treatment  sa  presong si Jad.  Kaya nga sinabi ng hepe ng National Bureau of Investigation, magsasagawa siya ng  imbestigasyon upang matukoy kung sino-sino pa ang mga nagsabwatan sa paglabas at pagpunta sa kung saan-saan ni De Vera.

Inimbestigahan ng Senado ang NBI kaugnay sa special treatment kay De Vera na ayon kay Senator Francis Tolentino ay upang malinis ang pangalan ng ahensiya at hindi upang mas lalo pang sirain.

Giit pa ni Tolentino, chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, kapag natukoy na ang ugat at katotohanan, malaki ang posibilidad na muling bumalik ang tiwala at respeto ng mamamayan sa NBI na nadurungisan ng mga tiwali at korap na mga tauhan nito.

Ang tanong, tama bang mismong ang NBI ang mag-imbestiga sa pangyayari o sa VIP treatment na iginagawad ng mga ahente at tauhan nit okay De Vera?

Mas maganda nga na Senado  ang mag-imbestiga at mismong ito ang magbigay ng gawad o suhestiyon sa kung ano ang gagawin sa mga pasaway na tauhan nito na naglalagay ng batid sa imahe ng NBI at sa respetadong pangalan ng hepe nito.

Pagulungin na kaagad ang hustisya. Pagulungin na ang ulo ng mga sangkot sa anomalya.

Previous article‘FIRST ORDER’ NG BAGONG NCRPO DIRECTOR
Next articleKAPAG HINDI IBINALIK  ANG PERA NG RIDER…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here