Home ENTERTAINMENT Darren, nagkaroon ng wardrobe malfunction sa Qatar!

Darren, nagkaroon ng wardrobe malfunction sa Qatar!

Manila, Philippines- Sabi nga, anything can happen in a live show.

Add to that, don’t despair if anything untoward happens to you in a live show.

Again–as people say–it happens to the best of us.

Ito ang eksaktong naging karanasan ni Darren Espanto while doing a recent show in Qatar.

Sa halip na mag-impose ng “news blackout” dahil sa tinamong kahihiyan, mismong si Darren pa ang nagpost ng maikling video clip ng kanyang performance.

Dressed in all-white, makikitang ganadung-ganado si Darren sa entablado nang biglang napunit ang bandang ilalim ng kanyang pantalon.

Darren even proudly posted: “Qatar, I will never forget this!”

Pagpapatuloy ng singer: “Opening pa lang, napunit agad (ang) pantalon ko!”

No, it didn’t stop Darren from singing bagkus ay parang walang nangyari.

Pero obyus sa kanyang reaction na nabigla siya but the wardrobe malfunction didn’t distract him.

Pinuri naman ng mga netizens si Darren, patunay lang daw ‘yon na isinasabuhay niya ang kasabihang, “The show must go on.”

A real pro ang tawag kay Darren who could have stopped right in the middle of his bigay-todong performance yet the audience would have understood why.

Ayon naman sa ilan, hindi raw nag-lisa si Darren sa dumaraming live performers who run into the same problem.

As far as the Qatar audience was concerned, they hardly noticed that Darren had wardrobe malfunction.

Mas lumutang daw kasi ang kaguwapuhan nito at galing kumanta.

Any reaction, Cassy Legaspi? Ronnie Carrasco III

Previous articleZubiri kay PBBM: Chinese envoy pauwiin na sa Tsina kasunod ng pambomba sa PH supply ship
Next articleHigpit-seguridad para sa Pasko, Bagong Taon ipinakakasa sa police commanders