Home NATIONWIDE Data Breach Response Team pinakilos agad vs ulat ng hacking – PNP

Data Breach Response Team pinakilos agad vs ulat ng hacking – PNP

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na sa kasalukuyan ay nananatiling ligtas ang mga database ng Forensic Group nito kasunod ng mga ulat ng hacking na nakaapekto sa ilang government agencies.

“As of press time, we can confidently state that all databases of the PNP Forensic Group, including DNA CODIS, IBIS, and AFIS, remain secure and unaffected by any breach,” pahayag ng PNP’s Public Information Office.

Nauna nang sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT)na na-hack ang mga sistema ng Department of Science and Technology (DOST) at ng PNP.

Iniulat din nito na sapul ang Philippine Health Insurance Corp. at ang Philippine Statistics Authority ng cyberattack, na nagresulta sa pagkakalantad ng ilang datos nito.

Anang PNP, nang mapag-alaman ang isyu, agad nitong pinakilos ang Data Breach Response Team “to swiftly address the matter.”

Nakikipag-ugnayan din ang Forensic Group sa PNP Information Technology Management Service at sa Anti-Cybercrime Group “to ensure that this issue is given the utmost attention it deserves,” dagdag nito.

“We want to assure the public that we have implemented robust cybersecurity measures and are conducting thorough vulnerability tests to further enhance our defenses against unauthorized access,” ayon pa sa PNP.

Hinggil sa naiulat na hacking incident ng Comprehensive Online Recruitment Encrypting System nito noong April 2023, sinabi nito na batay sa imbestigasyon, hindi nai-log out ng isang aplikante ang kanyang account matapos gumamit ng computer.

“We immediately took steps to address this issue and alleviate any further concerns,” patuloy nito. RNT/SA

Previous articleDOH: ‘Wag makampante, Pinas may 164 bagong COVID cases
Next articlePH gov’t nagbabala: ‘Spillover effects’ ng Israel-Hamas conflict nakaamba