Home NATIONWIDE Dating CA justice itinalagang PCGG commissioner

Dating CA justice itinalagang PCGG commissioner

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Court of Appeals Associate Justice Elihu Ybañez bilang bagong commissioner ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Ang ahensya ay inatasan sa pagrekober ng ill-gotten wealth ng pamilya Marcos at mga kasamahan nito.

Pinangalanan ng Presidential Communications Office (PCO) si Ybañez bilang bagong commissioner kasama ang iba pang appointees sa iba pang kagawaran.

Bukod kay Ybañez, sinabi ng PCO na itinalaga rin ni Marcos si retired Police Major General Eliseo Cruz bilang assistant secretary ng Department of Justice.

Samantala, itinalaga ng Pangulo si Rosalio Aragon Jr. bilang miyembro na magrerepresenta sa workers sector ng NCR Tripartite Wages and Productivity Board. RNT/JGC

Previous articleGiannis, Bucks wagi kontra Sixers
Next articleBong Go sa job-seekers MARAMING BAKANTENG TRABAHO SA MALASAKIT CENTERS