Manila, Philippines – Ganap na nga bang off the hook o wala nang pananagutan si Yexel Sebastian at ang partner nito sa kinasangkutang investment scam?
Dahil wala namang inisyu ang kaukulang ahensya na hold departure order ay balitang nakapuslit na ng Japan ang couple na pinapanagot sa ilang milyong pisong umano’y nakulimbat nila mula sa kanilang mga biktima.
Casino junket ang sinasabing negosyo ng magkarelasyon.
At balita ring isa sa mga kaibigan ng magdyowa na si Anne Boleche ang naengganyong maglagak ng investment.
Si Anne ay dating miyembro ng EB Babes.
Pero mas kilala siya bilang si Hopia.
Nang makorner sa isang event ay alumpihit si Hopia na pag-usapan ang tungkol sa in-invest niya.
Pero true to her showbiz name, “hopia” raw si Hopia as in hoping against hope na maibabalik ni Yexel ang kanyang investment.
Kung magkano ito’y obyus na evasive o umiiwas si Hopia.
But it must be a huge sum of money!
Lalo pa ngayon that Hopia needs to raise enough resources in doing business.
Already out of showbiz, modesty aside ay CEO o chief executive officer na si Hopia ng kanyang skin care products line.
Hindi man niya aminin, the fact that she’s friends with Yexel ay malaki ang perang ipinagkatiwala niya rito.
Will Hopia simply let her huge investment go up in smoke nang ganu’n-ganu’n lang lalo’t kung hard-earned money ito?
Pero tila ang mas nananaig kay Hopia ay ang pagkakaibigan nila ni Yexel.
Ibig bang sabihin, naloko na siya’t lahat ay kaibigan pa rin ang turing niya rito?