Home METRO Dating OFW arestado sa imported na droga

Dating OFW arestado sa imported na droga

CAVITE- ARESTADO ang isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad matapos mahulihan ng imported na shabu mula United States of America (USA), Martes sa lalawigan ito, Disyembre 19.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pampanga Provincial Office ang suspek na si Michael Florendo, 36, ng Barangay Hugo Perez, Trece Martires.

Sa pinagsamang operasyon ng PDEA Pampanga Provincial Office (PO), PDEA Clark Airport Interdiction Unit (AIU), PDEA International Cooperation and Foreign affairs service (ICFAS), Bureau of Customs (BOC) Port of Clark, PDEA Cavite PO at local police, nakuha sa suspek ang ₱55.2 milyon halaga ng shabu.

Sinabi ng mga awtoridad ang naturang shabu ay dumating na package sa Port of Clark noong Dec. 17, 2023, galing Long Beach, California, USA, at nakalagay sa pangalan ni Florendo.

Nadiskubre ng mga awtoridad na shabu ang nakalagay sa package matapos dumaan sa controlled delivery operation.

Tinurn-over naman sa PDEA-3 Laboratory Section para sa forensic examination ang mga nakumpiskang shabu habang si Florendo ay pansamantalang nakakulong sa PDEA-3 Jail facility, San Fernando, Pampanga habang hinihintay ang court order.

Sinabi pa ng PDEA na posibleng maharap sa kasong “non-bailable offense of Section 4 (importation of dangerous drugs) of Republic Act 9165 si Florendo. Mary Anne Sapico

Previous articleBachmann, Panlilio, SBP, partner sa pagpapalawak ng basketball
Next articleAirport operations expert itinalaga ni PBBM bilang MIAA acting chief