Home HOME BANNER STORY Dating parak nais bawiin ang akusasyon vs De Lima

Dating parak nais bawiin ang akusasyon vs De Lima

MANILA, Philippines- Inihayag ng isa pang testigo ang intensyong bawiin ang kanyang mga akusasyon laban kay dating Senator Leila de Lima at iba pang akusado na “wrongfully charged in court.”

Sa isang letter of intent na may petsang December 18, inihayag ni retired PBGen. Jerry Valeroso sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 na nais niyang bawiin ang kanyang inisyal na testimonya laban kay De Lima “fto ree all accused who were wrongfully charged” sa korte.

Aniya pa, ang mga kaso na inihain laban kay De Lima ay “pure hearsay and full of lies.”

Ayon kay Valeroso, 2019 pa lamang ay plano na niyang bawiin ang salaysay subalit hindi ito nagawa dahil sa takot para sa kanyang kaligtasan.

“Because I was disturbed by my conscience, I planned to recant in early 2019. However, due to fearing for my life and the safety of my family and loved ones, I lost the guts to do so,” ani Valeroso.

Anang retiradong pulis, magsusumite siya sa RTC ng kanyang official affidavit of recantation pagkatapos kumonsulta sa kanyang abogado.

Si Valeroso ang ika-13th testigong babawiin ang testimonya laban kay De Lima.

Wagi si De Lima sa dalawa sa tatlong kaso laban sa kanya, na pinanindigan ng kanyang kampo na gawa-gawa lamang. RNT/SA

Previous articlePBBM sa P5.768T 2024 nat’l budget implementors: ‘Honor taxpayers’
Next articlePuganteng Korean na higit 1 dekadang nagtago timbog sa BI!