Home METRO Dating pastor mula Davao na bagong laya, natagpuang patay

Dating pastor mula Davao na bagong laya, natagpuang patay

DAVAO CITY-PALAISIPAN ngayon sa mga awtoridad ang pagkamatay ng isang dating pastor na kalalaya lang sa kulungan matapos natagpuang duguan at wala nang buhay sa kanyang bahay nitong Martes, Pebrero 20 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Daniel Dondal Ramos, 54-anyos, at residente ng Upper Malungon, Brgy. Malamba, Marilog District, Davao City.

Ayon kay Police Major Nelson Violan, hepe ng Marilog Police Station, bandang 6:00 AM nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang silid sa nasabing lugar.

Sa pahayag ng kanyang pamangkin na si Grace, naglilinis siya sa kanilang bahay nang mapatakan siya ng dugo mula sa kwarto ng biktima.

Agad naman ipinagbigay-alam ni Grace sa kanyang ama na kapatid ng biktima ang pangyayari at nakita na lamang nilang may sugat sa katawan ang biktima at wala na itong buhay.

Nabatid, na kalalaya lamang ng biktima sa Davao Penal Colony (Dapecol) noong Enero 13, 2024 sa kasong Act of Lasciviousness.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nabanggit na insidente. Mary Anne Sapico

Previous articlePCCI sa Kongreso: Wage boards pagdesisyunin sa wage hikes
Next articleIkalawang Bugatti sports car na pinaghahanap ng BOC, natagpuan na