Home METRO Dating pulis arestado sa drug ops

Dating pulis arestado sa drug ops

330
0

COTABATO CITY- Arestado ang dating pulis sa pinaigting na drug buy-bust ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) noong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Nelson Sali, 54, ng Barangay Bagua Mother, ng nasabing lungsod.

Ayon kay PDEA agent Rose Mary, tagapagsalita ng PDEA-BARMM, bandang alas-8 ng gabi nang madakip si Sali at nasabing nakuhanan ito ng ₱7,480,000 halaga ng hinihinalang shabu na may bigat na 1.1 kilo.

Narekober rin sa suspek ang .45 kalibre na baril at .38 revolver.

Aniya, nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na aktibidades ni Sali sa Cotabato at iba pang parte ng Maguindanao del Norte kaya agad itong isinailalim sa monitoring at nang magpositibo ay inilatag ang operasyon sa suspek na nagresulta sa pagkakadakip nito.

Samantala, noong Martes ay nahuli rin ang suspek na si Toraife Saikol Andi at nakuha sa kanya ang ₱3.4 milyon sa isinagawang operasyon sa Barangay Rosary Heights Mother.

Sinabi naman ni PDEA Regional Director Christina Frivaldo, tatlo rin ang naaresto noong Sept.1 sa kahabaan ng LR Sebastian Street at nasamsam ang ₱7.8 milyon halaga ng shabu.

Sinabi pa sa ulat na umakyat sa ₱18.6 milyong halaga ng shabu ang =nasamsam simula noong Sept. 1 hanggang 5 na operasyon. Mary Anne Sapico

Previous articlePag-apruba sa P41.2B badyet ng NIA, tinabla muna sa Senado
Next article‘Work, holiday visa’ application sa Australia bubuksan sa 2024 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here