Home METRO Dating pulis-Maynila na tulak ng droga, timbog!

Dating pulis-Maynila na tulak ng droga, timbog!

CAUAYAN CITY, Isabela – Sa kulungan ang bagsak ng isang dating pulis-Maynila dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga at pag-iingat ng hindi rehistradong baril sa District 1, Cauayan, City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Rodolfo Duazo Jr., 34-anyos, dating pulis sa Metro Manila, na nasibak noong 2020 at residente ng District 1, Cauayan, City, Isabela.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang .65 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10,000 at isang caliber 22 na revolver na baril.

Napag-alaman mula sa PDEA Region 02, noong Pasko pa minamanmanan ang pinaghihinalaan at kinokonsidera bilang High Value Target o HVT dahil isa siyang dating pulis at sa dami rin ng nakuha sa kanyang ilegal na droga.

Samantala, todo-tanggi itong pagmamay-ari niya ang nakuhang ilegal na droga at baril.

Nagulat naman ang kanyang mga magulang dahil wala umanong pera ang kanyang anak at hindi rin umano nagtutulak ng ilegal na droga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). Rey Velasco

Previous articleBalikat ni Ja Morant ng Grizzlies, nabali
Next articleHalos P4M shabu nasabat sa buy-bust