Home METRO Dating sundalo, radio broadcaster tiklo sa ‘pagbebenta’ ng unlicensed firearms

Dating sundalo, radio broadcaster tiklo sa ‘pagbebenta’ ng unlicensed firearms

MANILA, Philippines- Arestado ang dating sundalo at isang radio broadcaster sa umano’y pagbebenta unlicensed firearms sa Tagum City, ayon sa ulat nitong Lunes.

Nadakip ng Tagum City Police at ng Davao Provincial Mobile Force Company sina Patrick Anjo at Noel Moraleja alyas Andrebon Obrero ng 99.9 RPFM.

Nalambat ang mga suspek habang nagbebenta ng unlicensed .45 caliber handgun sa isang undercover operative.

Inihayag ng Tagum police na tiniktikan nila ang dalawa matapos makatanggap ng impormasyon na ilegal na nagbebenta ng armas ang mga suspek.

Nasamsam mula sa kanila ang tatlong .45 caliber pistols na ibinebenta ng mga suspek sa presyong tig-P16,000.

Ayon kay Police Staff Sergeant Reynaldo Florentino, dalawa sa nasabing baril ang walang rekord habang paso na ang lisensya ng ang isa pa. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung mayroon nang nakaraang transaksyon ang mga suspek.

Bukod sa mga armas, nakumpiska rin ng mga awtoridad ang dalawang driver’s license IDs mula kay Moraleja sa ilalim ng dalawang pekeng pangalan.

Bukod sa unlawful selling of firearms, nahaharap din ang dalawa sa illegal possession of firearms at paglabag sa gun ban. 

Batay sa ulat, kinumpirma ni Pat Lucero Pacquiao, RPFM station manager, na isa si Moraleja sa kanilang talent broadcasters. Bago maaresto si Moraleja, dalawang linggo na umano itong hindi pumapasok. Posible siyang matanggal sa kompanya sakaling mapatunayang totoo ang mga alegasyon laban sa kanya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulis ang dalawang suspek na tumangging magbigay ng komento. RNT/SA

Previous article60 iskul sa E. Visayas napinsala ng baha
Next articleTagtuyot nakaamba sa 3 probinsya – PAGASA