Home METRO Dating vice mayor, arestado

Dating vice mayor, arestado

348
0

MANILA, Philippines – Arestado ang dating vice mayor ng Valenzuela City sa bisa ng bench warrant of arrest matapos hindi sumipot sa mga pagdinig sa kanyang kasong kinakaharap sa Korte.

Alas-10:30 ng umaga nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant Section ng MPD-Station 4 sa loob ng Makati City Hall si Evelyn Miranda Hernandez, 58, negosyante at residente ngĀ  Malinta Valenzuela City.

Natunton ang akusado sa pamamagitan ng impormante kaya agad na isinilbi ng Warrant Section ng MPD Station 4 ang kanyang warrant.

Ang akusado ay mahaharap sa dalawang bilang (2 counts) sa paglabag sa BP22 o ang pag-iisyu ng mga talbog na tseke.

Inisyu ang warrant ni Hon. George Andy B.Pantanosas, Acting Presiding Judge, MTCC, Fourth Judicial Region, Branch 1, Antipolo City, Rizal, na may petsang Setyembre 6, 2022.

Pinayagan namang magpyansa si Hernandez ng P13,000 bawat bilang para sa kanyang pansamantalang paglaya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTINGNAN: Turn-over sa bagong UP President
Next articlePari itinalagang vicar general, Vice Moderator Curiae ng Archdiocese of Manila