Home NATIONWIDE Davao City prayer protest kontra Cha-cha suportado ni VP Sara

Davao City prayer protest kontra Cha-cha suportado ni VP Sara

MANILA, Philippines – SUPORTADO ni Vice President Sara Duterte ang Davao City prayer protest na kontra sa panukalang Charter Change (Cha-cha).

“Mahalagang makita at maintindihan natin ang panganib na nakaamba sa atin oras na tuluyan nating isinuko ang ating Saligang Batas sa kamay ng mga taong may personal at politikal na interes,” ayon kay VP Sara.

Manindigan tayo laban sa pagbabago sa ating Saligang Batas sa pamamagitan ng ‘Pera kapalit ng pirma para sa People’s Initiative’,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, DUMALO si VP Sara sa Bagong Pilipinas kick-off rally sa Quirino Grandstand, araw ng Linggo.

Dumating si VP Sara sa government-organized event ng tanghali.

Ani VP Sara, ang Department of Education ay pabor sa eight-point socioeconomic agenda ng administrasyong Marcos. Kris Jose

Previous articleStrong Group nasilat ng Lebanon sa finals ng Dubai tilt
Next articleBagong Pilipinas, hindi bagong partisan group -PBBM