Home METRO Davao de Oro, Batangas, Masbate sapul ng minor quakes

Davao de Oro, Batangas, Masbate sapul ng minor quakes

MANILA, Philippines- Niyanig ng apat na minor tectonic earthquakes ang mga lalawigan ng Davao de Oro, Batangas, at Masbate  nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa ahensya, itinuturing na “minor” ang lindol kapag nakapagtala ito ng 3.0 hanggang 3.9 magnitude sa scale.

Batay sa earthquake information ng Phivolcs, naitala ang unang pagyanig sa New Bataan, Davao de Oro bandang alas-1:27 hapon. Ito ay magnitude 3.3 at may 14-kilometer depth of focus.

Anang ahensya, naramdaman ang Intensity II sa lugar, habang naiulat ang Intensity I sa Nabunturan at Compostela, kapwa sa Davao de Oro.

Naitala rina ng Instrumental Intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro.

Samantala, dakong alas-4:40 ng hapon, niyanig din ang City of Calaca, Batangas ng magnitude 3.4 earthquake na mayroong one-kilometer depth of focus.

Base sa earthquake information ng Phivolcs, nakapagtala ng iba’t ibang ground motion intensities sa lalawigan– Intensity II sa City of Calaca, Lemery, at Balayan, Instrumental Intensity II sa Calatagan, at Instrumental Intensity I sa Lemery, Santa Teresita, at San Luis.

Niyanig naman ang Batuan, Masbate ng magnitude 3 earthquake na may depth of focus na 13 kilometers pagsapit ng alas-7 ng gabi. Natukoy ng Phivolcs ang Instrumental Intensity I sa City of Masbate.

Samantala, isa pang minor earthquake ang tumama sa City of Calaca, Batangas, bandang alas-10:01 ng habi. Mayroon itong magnitude na 3.3 at  one-kilometer depth of focus.

Iniulat ng Phivolcs na naramdaman ang Intensity II sa lungsod habang naiulat ang Instrumental Intensity II sa San Luis, at Instrumental Intensity I sa Lemery, Santa Teresita, at Cuenca, sa lalawigan ng Batangas.

Anang Phivolcs, walang inaasahang aftershocks o pinsala mula sa apat na lindol. RNT/SA

Previous articleKelot himas-rehas sa pamboboso sa naliligong dalaga sa Malabon
Next articleMga Pinoy sa Gaza inaasahang makatatawid sa Egypt border sa sunod na 48 oras