Home NATIONWIDE Davao de Oro landslide pinaiimbestigahan sa Kamara

Davao de Oro landslide pinaiimbestigahan sa Kamara

MANILA, Philippines- Isang House Resolution ang inihain sa Kamara ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas na nagsusulong na imbestigahan ang naganap na landslide sa Davao de Oro na kumitil sa buhay ng 54 katao.

Sa House Resolution 1587 na inihain ni Brosas, hiniling nito sa House committee on natural resources na manguna sa imbestigasyon.

Una nang sinabi ng Apex Mining Corp na nasa sentro ng kontrobersiya, na ang landslide ay nangyari sa transport terminal sa labas ng mining area.

Karamihan sa mga biktima ay mga empleyado ng Apex Mining.

“Environmental advocates oppose large-scale and open pit mining operations due to their destructive, lasting impact on our communities, What happened in Davao is a living example of how badly it affects communities which has resulted in the death of so many workers and residents,” paliwanag ni Brosas.

Kasabay nito ay hiniling ni Brosas sa national government na suspendihin ang lahat ng large-scale mining operations sa bansa lalo at wala naman itong malaking kontribusyon sa employment. Gail Mendoza

Previous articleSEC registration ng PIRMA sa pekeng PI, peke rin – Senate panel
Next articleDonor ng P55M sa ‘EDSA-pwera’ TV ad, ayaw ilantad ng PIRMA