Home METRO Davao del Norte isinailalim sa state of calamity sa baha

Davao del Norte isinailalim sa state of calamity sa baha

MANILA, Philippines- Idineklara ng mga lokal na awtoridad ang state of calamity sa Davao del Norte sa patuloy na pagbaha sa mga bayan ilang araw matapos ang walang humpay na pag-ulan.

Ayon sa ulat, inaprubahan ng Davao del Norte provincial board ang state of calamity declaration upang pabilisin ang paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga pamilyang apektado ng ulan at pagbaha.

Iniulat ng Davao del Norte Disaster Risk Reduction and Management Office na nasa 58,000 pamilya na ang apektado ng kalamidad.

Tinataya namang aabot sa P39 milyon ang pinsala sa agrikultura.

Kabilang sa mga lugar na pinakaapektado ang baha ang Asuncion, Kapalong, New Corella, Santo Tomas, Carmen, Brawler E. Dujali, Panabo City, at Tagum City. RNT/SA

Previous articleTINGNAN: ‘Lakbayaw’ 2024 sa Tondo
Next articleMark, sinita sa pagbuyangyang ng ‘bird’!