Home METRO Davao Occidental muling niyanig ng aftershock!

Davao Occidental muling niyanig ng aftershock!

MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa katubigan ng Davao Occidental nitong Huwebes ng umaga.

Sinabi ng state seismologists na isa itong aftershock ng malakas na lindol na yumanig sa lugar nitong nakaraang linggo.

Naganap ang tectonic quake 36 kilometers northwest ng Balut Island sa bayan ng Sarangani bandang alas-11:24 ng umaga.

May lalim itong 65 kilometers, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

“This is an aftershock of the 2023 November 17 Magnitude 6.8 Offshore Davao Occidental earthquake event,” anang Phivolcs na tinutukoy ang naunang lindol na kumitil sa 11 indibidwal.

Ipinaliwanag ng Phivolcs na kasama ang bagong lindol ng mga naiulat na aftershocks, wna pumalo na sa 120, hanggang nitong alas-8 ng umaga, Huwebes. RNT/SA

Previous articleVP Sara: ICC probe sa Pinas labag sa batas
Next articleAsia Pacific lawmakers’ forum sa Pinas nagsimula na