Home NATIONWIDE Davao Occidental niyanig ng M-4.8 na lindol

Davao Occidental niyanig ng M-4.8 na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Sarangani Island, sa Sarangani, Davao Occidental nitong Biyernes ng umaga, Enero 12.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang lindol 10:05 ng umaga.

Inisyal itong iniulat sa magnitude 4.5 at kalaunan ay itinaas sa 4.8 isang oras makalipas nito.

Naitala ang sentro ng lindol 113 kilometro timog-silangan ng Sarangani island.

Tectonic in origin ang lindol at may lalim na 17 kilometro

Wala namang naitalang intensity sa naganap na lindol. RNT/JGC

Previous articleRecto nanumpa na bilang DOF chief
Next articlePagpatay sa IP employee sa NoCot kinondena