MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang timog-silangan ng Sarangani sa Davao Occidental Biyernes ng madaling araw, iniulat ng PHIVOLCS.
Ang lindol na naganap alas-3:20 ng madaling araw sa lalim na 149 kilometro ay tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman din ang lindol, Intensity I, sa Malungon, Sarangani.
Sinabi rin ng ahensya na walang inaasahang pinsala ngunit maaaring mangyari ang mga aftershocks. RNT